CIUDAD VICTORIA, Mexico – Hindi bababa sa 12 katao ang nasawi habang 10 pa ang sugatan nang bumaliktad ang isang bus nitong Martes sa isang highway sa northeastern Mexico, ayon sa mga awtoridad.

Siyam ang agad na namatay sa aksidente sa Tamaulipas state at tatlo pa ang binawian ng buhay sa ospital, pagbabahagi ni civil protection coordinator Pedro Granados.

Binabagtas ng bus ang pagitan ng border city ng Reynosa at Monterrey sa kalapit nitong Nuevo Leon state.

Ikinokonsidera ang Tamaulipas highways na isa sa most dangerous sa Mexico dahil sa panganib ng kidnapping at extortion ng mga criminal gangs.

National

Kitty Duterte, ibinahagi latest na mensahe ni FPRRD sa kanilang pamilya

Gayunman, ayon sa mga awtoridad walang ebidensiya na sinadya ang aksidente nang mawalan ng kontrol ang driver sa sasakyan.

Agence-France-Presse