Naka-confined ngayon sa isang ospital sa Rizal ang Pinoy Rock legend na si Mike Hanopol.Isinugod siya sa ospital nitong Hunyo 10.
Nananawagan ngayon ang fans ng tulong pinansyal upang makatulong sa gastusin nito sa ospital.
Kamakailan, ipinost ng kaibigan nitong si Edgar Siscar ang video ni Mike sa Facebook.Habang nasa kama, makikita ang rock legend na nag-e-effort kumaway sa kamera sa kabila ng karamdaman.Caption ni Edgar, “Rav MIKE HANOPOL expresses his thanks to everyone for all the prayers and the well-wishes.
Let us further pray for his full recovery from COVID-19 for the spread of God’s word, the conversion of souls, the forgiveness of sins, and for the glory of God’s holy name. Praise God for all His goodness. Alleluia. Amen.”Nasa 75-anyos, ilan sa mga pinasikat na kanta ni Mike ang “Laki Sa Layaw Jeproks,” “Katawan,” at “No Touch.”
Neil Ramos