July 23, 2026

Home BALITA Probinsya

Ilang estudyante sa eskwelahang nasangkot sa school shooting, gusto nang lumipat!

Ilang estudyante sa eskwelahang nasangkot sa school shooting, gusto nang lumipat!
Photo courtesy: Contributed photo

Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na ilang estudyante raw ng San Jose National High School sa Tacloban City ang nagnanais nang lumipat ng paaralan.

Noong Hunyo 23, 2026 dalawang menor de edad ang namaril ng loob ng nasabing paaralan kung saan tatlong estudyante ang nasawi habang 20 naman ang sugatan.

KAUGNAY NA BALITA: Menor de edad, namaril sa eskwelahan sa Tacloban City; 3 estudyante, todas!

"That is the right of the parents or students so hindi naman 'yan naaano kung saan nakaka-feel ng security, although as I've said, we have been assuring them na we have secured the school and the most secure school na ngayon is the San Jose National High School,"  ani Dr. Nilo Eder, information officer ng DepEd Tabloban City Division sa media.

Matapos ang malagim na insidente ng pamamaril, kasalukuyang nagpapatupad ng alternative delivery mode of teaching ang San Jose National High School. Habang sa July 6 naman muling manunumbalik ang face to face classes sa kanilang paaralan.

Probinsya

Lalaking umiihi sa gilid, naipit sa pagitan ng 2 container van!

Samantala, inihayag din ni Eder ang pagsasailalim ng mga pagbabago sa eskwelahan upang matanggal ang bakas ng trahedyang sinapit nila.

"Kasi, ang hirap matanggal yung ano, at tsaka tina-transform natin ang school with the help of the city government... ibahin ang paint so ire-paint... they will not recall what happened because they will see a different environment," saad pa niya.

Nakatakda rin silang maglagay ng mga CCTV camera sa iba’t ibang bahagi ng paaralan at maging pagtatayo rin ng mga bakod ay isasagawa rin para sa pagpapaigting pa ng seguridad ng mga mag-aaral.