June 30, 2026

Home BALITA Probinsya

Dalagitang naglalaba sa ilog, tinaga sa ulo!

Dalagitang naglalaba sa ilog, tinaga sa ulo!
Photo courtesy: Unsplash

Dead on arrival na nang naisugod sa ospital ang isang 17 taong gulang na dalagita matapos siyang tagain sa ulo ng kanila umanong kapitbahay sa Bukidnon noong Linggo, Hunyo 28, 2026.

Ayon sa mga ulat, nagtungo ang biktima at kaniyang live-in partner sa ilog para sana maglaba. Subalit, kalaunan ay umalis saglit ang boyfriend ng biktima upang balikan pa raw sana ang naiwang gamit nila sa kanilang bahay.

Batay sa salaysay ng boyfriend ng biktima, pagbalik niya sa may ilog ay doon na raw niya nakita ang suspek na bitbit ang duguang katawan ng biktima at akmang hahagis pa raw sana sa ilog.

Nang napansin siya ng suspek, doon na raw nito binitawan ang biktima at dali-daling tumakas.

Sinubukan pang itakbo ang biktima sa pinakamalapit na ospital subalit idineklara na siyang dead on arrival dahil sa tinamong taga sa ulo.

Probinsya

Lalaking ‘di pinautang ng ₱100, nanutok ng baril!

Samantala, nagkasa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang mitibo umano sa pagpaslang niya sa biktima.

May alok na ring pabuya ang lokal na pamahalaan sa Bukidnon para sa kung sinomang makakapagturo sa kinarooroonan ng suspek.