ROME, Italy – Patay ang dalawang batang magkapatid at isa pang matanda sa pamamaril ng isang lalaki malapit sa Rome nitong Linggo, bago nagpatiwakal din, ayon sa mga awtoridad.

Ayon kay local mayor Mario Savarese, nakatira sa parehong housing development sa Ardea ang gunman at mga biktima— na napaulat na dalawang magkapatid na lalaki edad lima at 10, at isang 84-anyos na matanda.

Nagkulong pa ang shooter sa isang kalapit na apartment sa loob ng tatlong oras habang nakikipagnegosasyon ang mga awtoridad na sumuko na ito.

Gayunman, nang mapasok ng armed officers ang kuwarto, tumambad sa kanila ang katawan ng salarin, ayon sa Ansa news agency.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ilang saksi ang nagsabi sa Italian media, na dumaranas ng mental health problem ang salarin bago ang insidente. Nabaril nito ang (randomly) naglalarong dalawang bata sa kalapit na parke at dumadaan na lalaki na nakabisikleta.

“I am deeply shocked by what happened and express all my regret and my heartfelt condolences to the family and the entire Ardea community, which today is in terrible mourning for this tragedy, ” Alessio D’Amato, health commissioner local region ng Lazio

Agence-France-Presse