Hindi na sikreto na may slight lisp ang aktor na si Coco Martin, isang speech impairment na dahilan upang ma-mispronounce ang tunog kapag nagsasalita.

Kamakailan lamang, hindi napigilang mapatawa ng ilang netizens dahil hindi nila maintindihan ang sinabi ng aktor sa isang eksena sa “FPJ’s And Probinsyano.”

“Ano daw?” komento ng isang user.

May isa namang nagsabi na ilang beses na niyang ni-replayed ang video, pero hindi pa rin niya ma-gets ang sinasabi nito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa eksena, sinasabi ni Coco na: “Hayop ka! Akala namin mapagkakatiwalaan kayo! Ba’t ka nagsumbong sa pulis?”

Samantala, ilang buwan na ring bali-balita ang pagtatapos ng show.

Nakadagdag pa sa balitang ito ang naging pahayag ni Angel Aquino na naka-schedule, aniya, sila para sa “ultimate last lock-in” taping.

Sa darating na Setyembre, nakatakdang ipagdiwang ng show ang ikaanim nitong anibersaryo sa telebisyon.