NUEVA ECIJA – Dalawa ang inaresto ng mga awtoridad matapos masamsaman ng mga pekeng sigarilyo sa magkakahiwalay na operasyon sa San Leonardo at Gabaldon, nitong Huwebes.
Ang dalawa ay kinilala ni Col. Jaime Santos, provincial director ng NuevaEcija Provincial Police Office (NEPPO), na sina Joseph Suguitan, 46, may-asawa, taga-Sarrat, Ilocos Norte at Allan Balicao, 42, at taga-Brgy. Dampulan, Jaen ng nabanggit na lalawigan.
Ayon sa San Leonardo Police, dinampot nila si Suguitan habang nagbebenta ng pekeng sigarilyo sa isang tindahan tindahan sa Brgy. Diversion Road, nitong Huwebes ng gabi.
Naaresto naman si Balicao nang mamataan ng mga tauhan ng Gabaldon Police habang nasa aktong nagbebenta ng sigarilyo sa isang tindahan sa Sitio Dupinga, Brgy. Malinao, dakong 1:00 ng hapon.
Ang mga ito ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8293 (Intellectual PropertyAct).
Light Nolasco