NUEVA ECIJA- Patay ang isa umanong tulak ng droga na may kinakaharap na kasong frustrated murder matapos umanong manlaban sa isinagawang drug buy-bust operation ng pulisya sa Bgy. Sta. Lucia Young, kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ni PMaj. Jaime Ferrer, hepe ng pulisya, ang napatay na suspek na si Al Taberna, nasa hustong gulang ng Bgy. Balaring, sa bayan ng Gen. Natividad, ng naturang probinsiya.

Nanlaban umano ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya bandang 12:05 ng madaling-araw (Hunyo 10) matapos matunugan ng suspek na pulis ang katransaksyon nito sa isang plastic sachet ng umano'y shabu na nauwi sa kanyang kamatayan.

Narekober sa pinangyarihan ang isang cal. 357 walang serial number na baril ng suspek, tatlong basyo ng cal. 9mm pistol, P500 Bill marked-money, isang kutsilyo, isang smart phone at kulay itim na motorsiklong Suzuki Smash.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Light A. Nolasco