Tinatayang aabot sa 200,000 na residente ang nabakunahan na laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Caloocan City nitong nakaraang Pebrero.
Ayon kay Mayor Oscar Malapitan, nasa 211,614 na ang naturukan ng mga bakunang gawa ng Sinovac, AstraZeneca, Pfizer at Sputnik.
Sa datos ng City Health Office, hindi bababa sa 168,734 na nasa A1, A2 at A3 priority group ang nakatanggap na ng first dose ng COVID-19 vaccine habang 420 naman ang nabigyan na ng second dose.
Mayroon namang 100 indibidwal na nasa A4 group ang nabigyan ng first dose habang 30 naman ang nabigyan na ng 2nd dose.
Kaugnay nito, kinumpirma rin ng alkalde na mayroon na lamang silang 20,000 doses ng bakuna at umaasa na lamang sila sa pangako ng Department of Health (DOH) na magbibigay ng 99,000 doses nito upang maipagpatuloy nila ang malawakang pagbabakuna.
Orly Barcala