LAGUNA – Isang umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay matapos makasagupa ng grupo nito ang mga sundalo sa Luisiana, Laguna, nitong Miyerkules.
Sa pahayag ni Philippine Army-202ndInfantry Brigade (IB) commander, Brig. Gen. Alex Rillera, kinikilala pa rin nila ang napatay na rebelde.
Paliwanag ni Rillera, tumugon lamang ang mga sundalo at pulis sa ulat na namataan ang grupo ng mga rebelde sa Barangay Dela Paz.
"This triggered a 10-minute firefight that resulted in the death of still unidentified rebel and the recovery of a garand rifle," ayon pa sa opisyal.
Danny Estacio