Patuloy sa pag-ani ng tagumpay ang Filipino karateka na si James De Los Santos matapos magwagi ng dalawa na namang gold medal sa sinalihang world online kata competitions.
Pinataob lahat ni De Los Santos ang mga katunggali mulaSri Lanka at Switzerland bago namayani sa nakasagupang US kata sa finals ng The Crown: International ENDAS Karate Trophy #2 para sa unang gold medal.
Kasunod nito ay nangibabaw naman siya sa fourth leg ng SportData eTournament World Series, kung saan ginapi niya ang mga nakaharap na mga kata athletes mula Switzerland, Canada at South Africa.
Dahil dito, nakamit ni De Los Santos ang kanyang pang-24 at 25 gold medals ngayong taong 2021.
Lumapit din si De Los Santos, ang kasalukuyang world's No.1 men's online kata player sa target niyang lagpasan na bilang ng napanalunang gold medal noong nakaraang taon na 36.
"On to more tournaments! 12 more to go!" pahayag pa ni De Los Santos.Marivic Awitan