Nagbura na naman ng post ang aktres na si Julia Barretto.

This time, ang picture ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson at ang St. Bernard dog, na si Amari.

“missing… (emojis of pleading face, smiling face with three hearts, and red heart),” caption ni Julia sa post.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Kasalukuyang naka-lock-in taping ngayon si Julia.

Sa previous vlog ni Gerald, bumisita ito sa hotel kung saan naka-qaurantine ang 24-anyos na aktres bago mag-shooting.

Una rito, ilang netizens ang nakapansin na hindi na available sa YouTube channel ni Julia ang vlog tampok ang kanyang ama na si Dennis Padilla.

Palagay tuloy ng online users, may kinalaman ito sa naging pahayag kamakailan ng komedyante hinggil sa relasyon ni Julia sa 32-anyos na hunk actor.