Pinawi ng pamahalaan ang pangamba ng publiko kaugnay sa kaligtasan ng mga bakuna ngayong tag-ulan.
Ito ay kasunod ng pagtiyak ng National Vaccination Operations Center (NVOC) na ligtas ang mga lugar na pinag-iimbakan ng mga bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Inihalimbawa ni NVOC Chairman at Health Undersecretary Myrna Cabotaje na ang Marikina City na madalas na binabaha, ay walang dapat ipag-alala dahil nasa mas mataas na lugar ang cold-storage facility sa naturang lugar.
Ayon pa kay Cabotaje, mataas ang elevation ng Pharmaserv, kung saan doon madalas inihahatid ang mga bultu-bultong bakuna mula sa ibang bansa.
Dagdag pa ni Cabotaje, may kanya-kanyang paraan ang mga local government unit para ilapit sa kanilang constituents ang vaccination program ng pamahalaan kabilang na ang mobile vaccination centers at pagbabahay-bahay sa mga komunidad.
BethCamia