Naka-jackpot ang isang mananaya mula sa Rizal nang manalo ng P10 milyon sa lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado ng gabi.

Paliwanag ni PCSO General Manager Royina Garma, nagwagi ang naturang mananaya ng P10,032,090.40 na jackpot matapos na mahulaan ang six-digit winning combination na 21-05-09-03-01-12 ng Regular Lotto 6/42.

Ang ticket ay nabili umano nito sa San Mateo, Rizal.

Mary Ann Santiago

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo