Aabot sa P1.2 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Muntinlupa City at Taguig City, nitong Sabado. 

Kinilala ni Southern Police District (SPD) chief, Brig. Gen. Jimili Macaraeg, ang tatlo na sina Kim Delos Santos, 27, binata, at taga-Las Piñas City; Lawan Limbao, alyas Lawan, 23, dalaga; at Aida Palog, 48, may-asawa, vendor, kapwa taga-Taguig.

Naunanginaresto ng pulisya si Delos Santos sa Muntinlupa City, dakong 8:00 ng gabi.

Hindi naman nakapalag sina Limbao at Palognang arestuhin silasa No.15 C. Balagtas St., Brgy. Lower Bicutan sa Taguig. Kakasuhan ang mga ito ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

National

PCO, kinumpirmang sina PBBM, FL Liza sumagot sa hospital bills ni Nora Aunor

Bella Gamotea