Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 6,955 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Sa case bulletin ng DOH, umakyat na sa 1,262,273 ang kabuuang kaso ng COVID-19 na naitala sa Pilipinas.
Gayunman, sa bilang na ito, 59,543 na lamang ang aktibong kaso, kasama ang 93.5% na mild cases, 2.4% na asymptomatic, 1.3% critical, 1.7% severe at 1.16% na moderate.
Mayroon namang 8,109 na naitala na bagong gumaling mula sa virus, sanhi upang umabot na sa 1,180,998 ang kabuuang bilang ng COVID-19 recoveries sa bansa, na 93.6% ng kabuuang kaso ng sakit.
Kaugnay nito, naitala rin ng DOH ang 195 bagong nasawi kaya’t umakyat na sa 21,732 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19 o 1.72% ng kabuuang kaso.
Mary Ann Santiago