DAVAO CITY – Inanunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na isinailalim na ang Davao City sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula nitong Sabado (Hunyo 5) hanggang Hunyo 20.
Inaprubahan ito aniya ng Inter-AgencyTask Force (IATF) nitong Huwebes.
Matatandaang umapela ang Davao City local government na isailalim ang lungsod sa 25-day MECQ dahil sa pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 sa kanilang lugar.