Inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyong 'Dante' na may international name na "Choi-wan" sa loob ng 24 oras.

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inalis na nila ang tropical cyclone wind signal No. 1 sa Batanes nitong Sabado ng madaling araw.

"As of 4 a.m., tropical depression Dante was estimated at 330 km north-northeast of Itbayat, Batanes or over the sea south of Yonaguni Island, Japan," ayon sa PAGASA.

Gayunman, taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hangin na 55 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at bugsong hanggang 70 kph.

National

Alice Guo, 'walang karapatang' tumakbo sa 2025 elections – Remulla

“This tropical depression is forecast to transition into an extratropical cyclone within the next 24 hours as it interacts with the baroclinic zone of Mei-yu Front over the East China Sea,” dagdag pa ng PAGASA.

Ellalyn De Vera-Ruiz