Muling lumutang ang naunang interview ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo hinggil sa kanyang kakayahan “to make a man stay” matapos kumpirmahin ng kanyang pitong taong boyfriend na si Neil Salvacion, ang kanilang split.

Rabiya at Neil

Sinabi ito ng 24-anyos na beauty queen nang ibahagi nito kung paano siya nangako kay Neil na hindi nito iiwan kahit pa magtagumpay na siya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“We’ve been dating for six years. He’s my first boyfriend… We’ve been together since college… I can make a man stay,” saad ni Rabiya.

Apparently, ginagamit ito ngayon ng ilang bashers laban kay Rabiya.

Gayunman, nagreply si Neil sa isa sa mga comments, para sabihin na “happiness is a choice.”

Muli rin niyang nilinaw na kapwa “happy” sila sa kanilang decision.

“Stop doing this kind of narrative. She doesn’t need to apologize to anyone,” ani Neil.

Rabiya

Matatandaang nadamay pa sa kontrobersiya ang dating “Pinoy Big Brother” housemate na si André Brouillette.

Matapos ng pageant, nagdesisyon si Rabiya na manatili muna pansamatala sa US.

First time ni Rabiya sa labas ng Pilipinas at nais niya itong sulitin.

At tila enjoy naman siya sa kanyang bagong journey, sa caption na: “As you travel, you get to experience what life truly means.”