Dinakip ng mga awtoridad ang isang pulis at apat na traffic enforcer dahil sa umano’y pangingikil ng P800,000 sa mga truck driver na dumadaan sa checkpoint sa Apalit, Pampanga, nitong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar, ang pulis na si Cpl. Leomar Calegan, 37, tagfa- Barangay Maimpis, San Fernando City, Pampanga at apat na kasabwat na sina Marlon De Guzman, 39; Menard Mendoza, 32; Michael Maniulit, 50; at Noel Manarang, 23, pawang miyembro ng Truck Ban Traffic Management Office sa Apalit.

Dinampot ng mga tauhan ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang mga suspek sa ikinasang entrapment operation sa harap ng isang gasolinahan sa panulukan ng Quezon Road, McArthur Highway at San Simon Exit sa Apalit.

Paliwanag naman ni PNP-IMEG chief, Brig. Gen. Thomas Frias, inaresto ang mga suspek nang tanggapin nila ang marked money sa isang driver ng truck na dumadaan sa lugar.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nasamsam sa mga ito ang isang PNP ID, iba’t ibang identification (ID) cards mula sa mga traffic enforcer, isang

Cal. 9mm pistol, isang Glock 17 pistol, at iba’t ibang magazine at bala.

Nasamsam din sa mga ito ang P804,170 na pinaniniwalaang nakolekta ng mga ito sa kanilang pangingikil.0

Martin Sadongdong