Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang posibilidad nang pagbubukas ng 'green lanes' sa mga daungan at paliparan para sa mga biyahero na fully-vaccinated na, o mga indibidwal na nabigyan na ng dalawang dose ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines.

Ito’y sa sandaling umabot na umano sa target ang population coverage ng COVID-19 vaccination sa bansa.

Ilalagay ang green lanes sa entry at exit points at ibababa na rin sa pitong araw ang mandatory quarantine sa kanila mula sa kasalukuyang 14-araw.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maaari ring i-exempt na sa pagsailalim sa RT-PCR test pagbalik nila sa Pilipinas ang mga taong bakunado na.

National

3 suspek sa pagkidnap at pagpaslang kay Anson Que, driver nasakote na!

Gayunman, sinabi ni Vergeire na hindi pa malinaw kung isasama sa makaka-avail ng green lanes ang mga dayuhang biyahero.

“Ang rekomendasyon ay 30 percent na population coverage [ng vaccination program] pero ang isa nilang gusto ring makita ay at least 50 percent of senior citizens are fully vaccinated,"ayon kay Vergeire.

“Wala pa pong final. Ito ay mga rekomendasyon pa lang," paglilinaw pa ng opisyal.

Mary Ann Santiago