Iginiit ni Senador Win Gatchalian ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa Senado sa nangyaring rotational brownout sa Luzon nito lamang Martes upang mabigyan ng pangmatagalang solusyon ang kakulangan sa suplay ng kuryente, lalo na tuwing summer season na mailalarawan na nasa kritikal ng kalagayan.
Sinabi ng senador na umabot sa 339,000 na kabahayan sa 90 na barangay na nasa 16 na local government unit ang naapektuhan ng power interruption noong Hunyo 1 at nadamay din ang dalawang vaccination center sa Valenzuela City.
Sa kanyang inihaing Senate Resolution No. 740, iginiit nito ng tungkulin ng Department of Energy (DOE) na siguruhin ang pagkakaroon ng sapat, dekalidad, maaasahan, at abot-kayang presyo ng suplay ng kuryente sa bansa. Aniya, dapat na panagutin ang DOE sa mga pagkukulang nito na matugunan ang mga problemang may kinalaman sa kuryente mula pa noong 2016.
Leonel Abasola