BACOLOD CITY – Patay ang dalawang lalaki, kabilang ang isang real estate broker matapos umanong barilin ng mga hindi nakikilalang lalaki sa sinasakyang kotse sa Bacolod Real Estate Development Corp. (Bredco) port sa Barangay 2 ng nabanggit na lungsod, nitong Martes.

Sa report ng pulisya, nakilala ang dalawa na sina Dexter Bryan Ursos, 41, taga-Barangay 4; at Fernando Mahipos, 39, at taga-Brgy. 14.

Sinabi ni Capt. Paul Vincent Pendon, hepe ng Police Station 2, nadiskubre ang bangkay ng dalawa sa loob ng isang silver Mitsubishi Mirage na pag-aari ng kumpanya ni Ursos na isang real estate broker.

Narekober sa crime scene ang isang sachet ng shabu,

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

drug paraphernalia, P4,000 pekeng pera at iba pang personal na gamit ng mga biktima.

Blangko pa rin ang mga pulis sa pagkakakilanlan ng mga responsable sa krimen.

Glazyl Masculino