Isang sikat na eatery sa labas ng University of Santo Tomas (UST) nag-anunsiyo na magsasara na matapos ang 15 taon.

Sa Facebook post ng Heaven’s Touch Cuisine, inanunsiyo nito ang kanilang pagsasaradahil hirap umano sila na makakuha ng mga customers.

PRO3, nilinaw pagkaaresto sa mga Aeta sa Mt. Pinatubo

Pinasalamatan ni Ligaya Piadoche-Cordova, establishment manager at main cook, ang mga naging loyal na customer ng Heaven’s Touch.

“Sa loob ng 15 years and hinangad ko lamang ay maghain ng mga lutong bahay na abot kaya para sa mga estudyante. Na kahit malayo sila sa kanilang mga magulang ay may nanay na handang maghain sa kanila ng masasarap na lutong bahay” post ni Cordova.

“Na handa rin pakinggan ang mga problema na dinadamdam nila o problema sa eskwelahan kung sakali na kailangan nila magsama ng magulang” dagdag niya.

Sa isang interview sa The Varsitarian, official student publication ng UST, sinabi ni Cordova na nahirapan talaga ang eatery mula nang mag-pandemya at nasuspinde ang face-to-face classes ng UST.

“Sinubukan kasi namin magbukas kaso wala talagang customer e. Tapos sinubukan namin mag-online noon kaso hindi rin ganun kalakas. Siyempre sa halagang P70 na food, may delivery fee na nasa P100 plus. Mas mahal pa sa pagkain mo,” dagdag pa niya.

Simula nang mag-pandemya at masuspinde ang face-to-face class, maraming mga kainan sa university belt ang nahirapang mag-operate at ilan sa kanila ang tuluyan nang nagsara.

Gabriela Baron