Laman ng mga Balita mapa-TV man o radio, newspaper, social media at maging sa online ang kumpirmadong pagbabalik sa limelight ng magaling na aktor na si John Lloyd Cruz.

Yup, magiging aktibo na muli si JLC sa mga susunod na mga araw after mag-indefinite leave ng ilang taon sa industriya. Kamakailan nga lang ay napabalitang si John Lloyd ay under na ng Crown Artist Management (CAM) na pinamumunuan ni Maja Salvador. Malamang marami ang natutuwa sa comeback na ito ng aktor.

John Lloyd

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Maging si Willie Revillame ay saya ang namutawi nang ibalita niya recently sa kanyang show na “Wowowin: Tutok to Win” ang pagkikita nila ni John Lloyd sa Puerto Galera na noo’y nandodoon din ang blockbuster director na si Direk Cathy Garcia Molina. Si Direk Cathy lang naman ang naging direktor ni JLC sa mga movies na nagawa niya noon. Naroon din sa Puerto Galera ang mga kilalang personalidad gaya nila Direk Edgar “Bobot” Mortiz, Malou Santos at si Sam Verzosa ng Frontrow.

Dahil sa muling pagbabalik ni John Lloyd sa showbiz hiningan ngBALITAng reaksyon si Direk Cathy, ang paboritong direktor ni John Lloyd sa pamamagitan ng phone call. Sey niya, “By all means my God the industry miss him already. Ang pogi niya ngayon ang payat niya. Nagpaclean cut, maganda bagay sa kanya.”

Sabi pa ni Direk Cathy considering na na-miss daw niya si John Lloyd hindi raw sila nagkaroon ng pagkakataon magka-heart to heart talk in terms of showbiz comeback ni John Lloyd. Naghi and hello lang daw sila sa isa't isa. Busy raw kasi siya during that time dahil siya ang direktor ni Willie Revillame para sa isang TVC (TV Commercial) ng isang Online Shopping App na kinunan sa Puerto Galera. First time ni Direk Cathy magdirek ng isang TVC and take note siya ang nirequest ni Willie Revillame na magdirek ng naturang TVC. Ayon kay Direk Cathy napakabait daw ni Willie at napakagenerous pa. Kaya naman ganoon na lang ang pasasalamat niya kay Willie. Ika nga niya, “Salamat Willie.” Kasalukuyang umeere na ang commercial na ginawa niya para kay Willie. Aside from this ang isa pang pinag-uukulan ng panahon ni Direk Cathy ay ang bagong tayo niyang company na Nickl Entertainment.

Andrea at John Lloyd

Sa napapabalitang mga blessings o projects na dumarating ngayon kay John Lloyd gaya ng una niyang magiging appearance ay sa GMA-7 na kasama si Willie Revillame at iba pa para sa isang grand event ng Online Shopping App na magaganap sa June 6 at isang sitcom daw na kasama sila Willie at Andrea Torres. Balita rin daw na may naganap na meeting between John Lloyd at ng GMA-7 executive na si Ms. Annette Gozon-Valdes. Dahil dito hiningan din natin ng mensahe si Direk Cathy. Aniya, “I am happy for him and the industry is welcoming him with open arms, like ako I’m excited sa kanyang pagbabalik and the projects he will do dahil napakagaling niyang artista.”