Inaasahang darating ng bansa ang Philippine basketball prodigy na si Kai Sotto upang makasamang lumaro ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup qualifiers sa Clark.

Gayunman, ang posibilidad na makasama siya ng all-cadets Gilas squad sa pagsabak sa Asia Cup qualifiers lalo pa't kailangan nitong sumailalim sa quarantine protocols ay magsisilbing hadlang upang makapag-ensayo kasama ng Nationals.

Kaugnay nito,wala na rin umanong balak ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na isama pa si Sotto sa Gilas cadets sa bubble training ng mga ito sa Laguna dahil baka maka-gulo pa sa ginagawa nilang paghahanda.

Ang FIBA  Asia Cup ay gaganapin sa Hunyo 16-20 habang ang mandatory quarantine na ipinatutupad ay 14 na araw kung kaya wala ng panahong makapag-ensayo si Sotto kasama ng Gilas cadets.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Nauna ng sinabi ni SBP program director Tab Baldwin na kinakailangan ni Sotto ng mahaba-habang panahon upang makapaghanda bago makalaro kasama ng Gilas sa mga international tournaments.

Kung hindi sya makakalaro sa FIBA Asia Cup qualifiers, inaasahang makakasama na siya ng Gilas sa final Olympic Qualifying Tournament sa Serbia simula sa Hunyo 29.

Makakasagupa ng Gilas sa OQT ang Dominican Republic at host Serbia sa Group A.

Ang Top 4 finishers ng nasabing torneo ang makakakuha ng Tokyo Olympic slots. 

Marivic Awitan