Bali-balita na lalabas sa isang GMA sitcom si dating ABS-CBN star John Lloyd Cruz.

Isang GMA insider ang nagbahagi na ang show ay mula sa direksyon ni Bobot Mortiz, na dati ring nagdi-direct ng mga show sa Kapamilya network.

Dagdag pa rito, sinasabing itatampok din sa show ang sexy actress na si Andrea Torres bilang leading lady ni John Lloyd.

Wala pa mang kumpirmasyon mula sa GMA, pero ngayon palang ay excited na ang fans para rito.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Syempre, lalo na’t ito ang unang show ni Lloydie matapos ang ilang taong pamamahinga sa showbiz.

Bukod pa, na si Andrea ay most recent ex ni Derek Ramsay, na ngayo’y karelasyon ng ex ni John Lloyd na si Ellen Adarna.

Abangan natin yan!