“At mukhang may dapat abangan soon!”

Ito ang post ng GMA-7 kasama ang larawan nina seasoned actor John Lloyd Cruz, “Wowowin” host Willie Revillame at director Edgar “Bobot” Mortiz sa kanilang social media account.

Matatandaang nitong nakaraang linggo lamang ay spotted si John Lloyd sa resort ni Willie sa Puerto Galera.

Dito, makikita ring kasama ng 37-anyos na aktor sina veteran director Cathy Garcia-Molina at Star Creatives Chief Operating Officer Malou Santos.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Habang sa isang episode ng “Wowowin,” ibinahagi ni Willie na “burnout” ang dahilan ni John Lloyd sa naging pagpapahinga nito sa showbiz ilang taon na ang nakararaan.

Kamakailan lamang ay lumagda na si John Lloyd ng kontrata sa talent management agency ni Maja Salvador.