Nasamsam ng pamahalaan ang aabot sa P100 milyong halaga ng puslit na frozen meat sa isang bakanteng lote sa Navotas City, nitong Huwebes, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Kabilang sa nakumpiska ang frozen na karneng baboy at baka, sugpo, black chicken, ulang, peking duck, atdorifish fillet na nadiskubre sa loob ng 12 na refrigerated container sa Barangay San Rafael.
Inihayag ng DA na nanggaling ang kargamento sa Vietnam, China, Germany, at Belgium batay na rin sa nakitang marking ng mga kahon.
Sa imbestigasyon, natuklasang walang importpermit ang naturang kargamentong nadiskubre ng mga tauhan ngDA, Sub-Task Group on Economic Intelligence (STG-EI), Department of Trade and Industry (DTI), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), National Bureau of Investigation (NBI), at Philippine National Police (PNP).
Hinalungkat ng mga raiding team ang nasabing reefer containers sa harap ng umano'y caretaker na nakilalang si Gilbert Abanso.
Inamin ni Abanso sa mga awtoridad na wala silangpapeles o clearance mula sa mga ahensya ng pamahalaan.
Iimbentaryo na ng DA ang kargamento bago isagawa ng NBI ang pagsasampa ng kaso laban sa may-ari nito.
Betheena Unite