Makapapasok na sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Corrections (BuCor) ang mga aplikanteng may taas lamang na 5'2" sa kalalakihan at 5 ft. naman sa kababaihan.
“This is great news for many Filipinos, and we thank the President for signing it into law. Marami tayong kababayang nakaabang dito, at sigurado po akong matutuwa sila sa balitang ito,” ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, principal author ng nabanggit na panukalang-batas.
Awtomatiko na rin na makapapasok ang mga culturalcommunity/indigenous people at hindi saklaw ng itinakdang height requirement.
Napakarami aniyang kababayan natin na gustong-gustong maglingkod bilang pulis o bumbero na hindimadalingtrabaho, gayunman,nahaharang sila s application pa lang dahil kinapos sa height.
Leonel Abasola