Isang lalaki ang namatay nang masunog ang isang residential area sa Port Area sa Maynila, nitong Miyerkules.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Ricky Sebastia, 40, taga-nasabing lugar.

Sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, biglang sumiklab ang bahagi ng ikaapat na palapag ng bahay ni Hadji Usman, alyas “Junior” na nasa likod ng gusali ng Red Cross Manila, dakong 5:45 ng hapon.

Sinabi ng Bureau of Fire Protection, umabot ng ikatlong alarma ang sunog na tumagal ng halos siyam na oras at ikinaabo ng mga bahay ng mahigit sa 700 pamilya.

National

Rep. Paolo Duterte, nagbabala vs pekeng Viber account na ginamit number niya

Tinatayang aabot sa P3 milyong halaga ng ari-arian ang natupok sa insidente na patuloy pa ring iniimbestigahan.

Noreen Jazul