Ikinulong ngayon ang isang 26-anyos na lalaki matapos arestuhin nang magpanggap na pulis sa Malabon City nitong Sabado ng madaling araw.
Nahaharap sa kasong Usurpation of Authority ang suspek na nakilalang si Alvin Busa, binata, at taga-Block 9, Lot 31, 4rth Street, Barangay Tañong ng nabanggit na siyudad.
Sa imbestigasyon, niyaya ng suspek ang kaibigang traffic enforcer na si Alberto Perez, 34, na mag-inuman sa labas ng kanilang bahay at matapos ang ilang oras lumipat sila sa kantina ng kagawad na si Anthony Patola, 34, sa Gulayan, St., Bgy. Concepcion.
Naiulat na nagpakilala rin si Busa kay Patola na isa itong pulis at nagkataon naman na nasa harap ng kanilang bahay si Pat. Alan Roquette, 31, nakatalaga sa Camp Crame, na umaresto sa kanya matapos na mabigong mailabas ang hinihinging police badge.
Orly Barcala