Maghahain ang Department of Education (DepEd) ng panukala kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa kanyang Gabinete hinggil sa petsa ng pagbubukas ng klase para sa School Year (SY) 2021-2022.

Sa isang press briefing, sinabi ni DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, naihanda na nila ang panukala at kailangan na lamang ang konsiderasyon at pag-apruba ng pangulo.

Una nang inianunsyo ng DepEd na target nilang makapagbukas muli ng klase sa Agosto 23 o anim na linggo matapos ang pagsasara ng SY 2020-2021 sa Hulyo 10.

Gayunman, nilinaw ni Sevilla na ang naturang August 23 start date proposal ay isa lamang sa mga opsiyon dahil ang DepEd aniya ay may mandato na buksan ang school year nang hindi lampas sa huling araw ng buwan ng Agosto.

National

Meralco, may dagdag-singil ngayong Pebrero

Giit niya, si Duterte pa rin ang may pinal na desisyon hinggil dito.

Matatandaang noong Hulyo, una nang nilagdaan ni Duterte ang Republic Act 11480, na nagpapahintulot sa punong ehekutibo na magtakda ng anumang petsa ng pagbubukas ng klase, sa panahon ng state of calamity o emergency.

Mary Ann Santiago