Hindi napaawat ang Kamara sa pagtalakay sa mga panukalang susog sa 1987 Constitution sa muling pagbubukas ng sesyon nito noong Lunes.
Tiniyak ni Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin Jr., chairman ng House committee on constitutional amendments, na tanging mga probisyon sa economic restrictions ang kanilang tatalakayin at sa bandang huli ay aaprubahan sa susunod na linggo.
“We still have seven interpellators and they will be given enough time. Our target for approval of Resolution of Both House No. 2 (RBH2) on second reading is next week, so that we will have enough time to have the voting and final reading before the adjournment on June 5,” ayon sa kongresista.
Kabilang sa nakalinyang tatalakay sa panukalang pag-amyenda ng Konstitusyon ay sina Reps. Sarah Elago, Christopher Belmonte, Joseph Paduano at Lorenz Defensor.
Ang iba pang magtatanong sa second round ay sina Reps. Edcel Lagman at Carlos Zarate.
Bert de Guzman