Pinabulaanan ni dating beauty queen MJ Lastimosa na lumilikha siya ng away sa mga kandidata ng Miss Universe, partikular kay Miss Thailand Amanda Obdam.

Ito’y matapos mag-trending sa social media ang live video ni MJ, kung saan maririnig ang mga komento nit okay Miss Thailand: “Ginaya niya si Catriona (Gray, Miss Universe 2018) maglakad. Ganyan si Catriona eh!”

“Di ba, ganyang-ganyan. Pati tumingin no? Inaral niya! Aral na aral niya si Catriona. Lahat – tingin, yung hair, yung ulo,” dagdag pa ni MJ.

Marami ang nag-react na “offensive,” ang komento ni MJ na tila umano “pagkutya” sa kandidata para sa kawalan ng “originality.”

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Gayunman, nilinaw ni MJ na wala siyang bina-bash.

“Hindi po ako nangaaway. Normal naman pagaralan mga past queens. I just can see Cat on her. I also watched Cat live in Thailand eh. I also studied Dayana Mendoza … love her to death,” paliwanag niya.

“May comment naman ako sa lahat mumshie di lang sa kanya. Pero ang Ganda nya!,” say pa ni MJ sa isang tweet.

Muli ring iginiit ni Miss Universe Philippines 2014 na ibinahagi lang niya ang kanyang nakita.

“I watched Cat live and it really reminded me of her. Now, is it good or bad? No. Beauty queens really do have a peg once they start training for pageants, inspiration or pattern na inaaral, that’s common,” aniya.

“I am watching and talking to my seatmates so obviously I’m allowed to say something. But all we did was to appreciate girls and their beauty, if you get to watch my live. I really find Amanda beautiful with good stage presence,” dagdag pa niya. “Bakit ba kayo nagagalit like as if Catriona reference is a bad thing.”

Ipinunto rin ni MJ na “one h*ck of a Miss Universe” kasi talaga si Catriona, kaya natural lang na marami ang umiidolo sa kanya.

Ipinalinawag din niya na natawa siya sa dulo dahil kinakawayan niya ang bawat kandidata at may ilang nag-wave back pero “with her I screamed pa ‘hi and when she didn’t waved back.”

“Shamcey looked at me like ahaaa pahiya, parang tukso sakin that’s why we laughed, but not towards her. We will never!!! Sobrang out of context nila mga sizt.”

Stephanie Bernardino