Sinabihan ng Malacañang si dating Senator Antonio Trillanes IV na libre naman ang mangarap kaugnay ng plano nitong tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022 kapag hindi kumandidato si Vice President Leni Robredo.
"Unang-una, libre naman ang managinip kaya hayaan natin si dating Senador Trillanes na mangarap na maging Presidente. Ito ay karapatan ng bawat Pilipino," pahayag ni Presidential spokesman Harry Roque.
Kamakailan, isinapubliko ni Trillanes na tatakbo siya sa panguluhan dahil nagpaplano umano si Robredo na kumandidato sa pagka-governor ng Camarines Sur.
Nauna nang itinanggi ng tagapagsalita ni Robredo na kakandidato ito sa para sa nasabing posisyon sa naturang lalawigan.
Gayunman, nilinaw ng dating senador na handa siyang magbigay-daan kay Robredo kapag ito ay kumandidato sa pagka-presidente.
Bert de Guzman