PALABAN at hindi pahuhuli ang binuong line-up ng Zamboanga City para sa Mindanao leg ng 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup.

Tampok sa koponan na pangangasiwaan ni Zamboanga City Councilor at team owners  Pinpin Pareja at Michael Dela Cruz ang core group ng ng Go for Gold-San Juan Knights na nagkampeon sa 2018-19 Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup na sina  Mac Cardona, Larry Rodriguez, Jhonard Clarito, at Aaron Jeruta.

Makakasama rin ng grupo ng dating San Juan Knights ang isa pang Letran star na si si guard Fran Yu.Nabigyan ang 22-anyos ng rekomendasyon niLetran athletic director and NCAA Season 96 president Fr. Vic Calvo para sa ‘special guest license’ ng Games and Amusements Board nitong Mayo 12 ay kasalukuyan ngayong sinisinsin ni pro basketball division head Dioscoro Bautista.

Kasama rin sa koponan sina dating PBA No.5 draftee Gabby Espinas at gunner Jaypee Belencion bilang "imports", habang ang mga homogrown talents ay sina Zamboanguenos Jens Knuttel, Rudy Lingganay, Med Salim, at Kyle Neypes. Sabak din sina Jonathan Parreno, Jayson Rebollos, Jeff Bernardo, Totoh Indahan, Jerome Ferrer, Wang Alvarez, at Niel Jumao-as.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Itinalaga bilang head coach si Ateneo de Zamboanga mentor Tony Pardo, kasama sina assistant coaches Ronie Gallo at Ken Basiri; strength and conditioning coaches Glenn Archangel at Robelino Sardena; at staff member Raymond Mapanao at Jaytone Rakim.

Nakatakda ang Mindanao leg sa May 30.