Isang sunog ang sumiklab sa isang bahagi ng isang kilalang mall sa EDSA, Barangay Wack-wack, Mandaluyong City nitong Linggo ng madaling araw.
Sa ulat ng Mandaluyong Bureau of Fire Protection (BFP), dakong 3:36 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa canopy na matatagpuan sa pagitan ng ikaanim at ikapitong palapag ng Building C ng mall at kaagad na itinaas sa unang alarma.
Dahil sa sunog ay kaagad na pinalikas ang mga empleyado ng call center na Concentrix na nag-o-opisina sa Building C, at nanatili muna sa bus bay, na nasa ground level ng gusali.
Ilang minuto lamang naman inabot ang sunog na kaagad ding naapula dakong 3:55 ng madaling araw.
Inaalam pa ng mga arson investigator ang sanhi ng insidente na tumupok ng P80,000 halaga ng ari-arian.
Mary Ann Santiago