Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nito pauuwiin ang dalawang barko ng Pilipinas na nagroronda sa pinag-aagawang West Philippine Sea (WPS).

“Our friendship will end here,” babala ni Duterte at sinabing kahit pa ibuwis nito ang kanyang buhay.

Inilabas ni Duterte ang pahayag nang umani ng kritisismo matapos na sabihing nagbibiro na lang siya nang ihayag nito na sasakay siya ng jet ski patungong Spratlys upang magtirik ng bandila ng Pilipinas, sa kasagsagan ng kampanya noong 2016 presidential elections.

Kahapon, nagmatigas ang Pangulo nang sabihin nito sa China na hindi nito aalisin ang dalawang barko ng bansa na umiikot sa Kalayaan Islands at sa Mischief Reef.

National

Sigaw ni Castro: 'Bring Home Roque!'

“I’d like to put notice sa China. May dalawang barko ako diyan. I am not ready to withdraw. We have a stand here and I want to state it here and now again: ‘Yung mga barko natin nandyan ngayon sa Pag-asa,” babala pa ni Duterte.

Argyll Cyrus Geducos