Lumakas pa ang bagyong Crising at nagbabantang  hahagupit sa silangan ng Mindanao sa susunod na 24 oras.

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kabilang sa nasabing mga lugar angSouthern portion ng Surigao del Sur (Lingig, City of Bislig), southeastern portion ng Agusan del Sur (Trento, Santa ay Josefa), northern portion ng Davao Oriental (Boston, Cateel at Baganga) at northeastern portion ng Davao de Oro (Compostela, Montevista, Monkayo at New Bataan.

Ayon sa PAGASA, taglay ng bagyoang lakas ng hangin na 65 kilometer per hour (kph) at bugsong 80 kph.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 330 kilometro ng silangan ng Davao City at kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 10 kph.

Probinsya

Magkakaibang parte ng katawan ng tao, natagpuan sa Marilaque Highway

Jun Fabon