Niyanig ng 5.8 magnitude na lindol ang Abra de Ilog sa Occidental Mindoro, nitong Miyerkules ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 9:09 ng umaga nang maramdaman ang pagyanig kung saan ang
epicenter ay nasa layong 11 kilometro Hilagang Silangan ng Abra de Ilog.
Sinabi ng Phivolcs, lumikha ang pagyanig ng lalim na 110 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman naman ang Intensity V sa Lubang, Occidental Mindoro; Calamba City sa Laguna; Calatagan, at Calaca sa Batangas.
Inuga naman ng Intensity IV ang Malvar at Lemery sa Batangas; Calapan City, Oriental Mindoro; Mendez sa Cavite; Limay sa Bataan; Tagaytay City at Manila City.
Kabilang naman sa Intensity III ang Agoncillo, Cuenca, Lipa City at Talisay sa Batangas; General Trias City ay Dasmarinas sa Cavite; Makati City, Muntinlupa City, Mandaluyong, Pasay City, Pasig City at Quezon City, at San Pedro, Laguna
Naitala naman ng ahensya ang Intensity II sa Caloocan City at Marikina City, sa Metro Manila; OlongapoCity, Zambales; Cavite City; Sta. Cruz sa Laguna; Taysan sa Batangas;Batangas City; Lucena City; Binangonan, Rizal; Dolores at Mulanay saQuezon.
Ang San Mateo sa Rizal at San Francisco sa Quezon ay tinamaan ng Intensity 1.
Jun Fabon