Makalipas ang halos isang taon balik na sa mas mahabang oras ang counseling program na Dr. Love Radio Show hosted by Bro. Jun Banaag, OP.

Matatandaang maraming programa ng ABS-CBN ang kailangang bitawan matapos mabigo ang network na makakuha ng prangkisa.

Bagamat hindi tuluyang nawala sa himpapawid nalipat sa weekends ang program sa radyo ni Bro.Jun at mas pinaikli na lamang.

Sa mas mahabang pag-ere ng show mula Mayo 15 mapakikinggan na ito mula 12:00 am hanggang 2:00 pm at may replay kinagabihan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Tiyak na ikatutuwa ito ng maraming listeners sa loob at labas ng bansa na patuloy na sumusubaybay sa programa.

Remy Umerez