CALAMBA CITY, Laguna - Pinatay ang isang dating pulis matapos na pagbabarilin ng isang hindi nakikilalang lalaki habang ito ay naglalakad sa Barangay Parian ng nasabing lungsod, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ramonito Tomo na dead on arrival sa ospital dahil sa dalawang tama ng bala sa ulo.

Sa police report, pauwi na sana ang biktima at naglalakad nang bigla na lamang sinalubong ng isang hindi nakilalanglalakiat binaril, dakong 6:55 ng gabi.

Agad na sinaklolohan ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang biktima at isinugod sa Calamba Medical Center kung saan ito binawian ng buhay.

Nasawi sa Air India nasa 270 na; pagkilala sa bangkay ng mga biktima, nagpapatuloy!

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang kaso upang matukoy ang suspek at motibo nito.

Danny Estacio