Nakamit na rin ni Christian Bables ang kanyang unang panalo sa Your Face Sounds Familiar Season 3 matapos pabilibin ang jury at kapwa celebrity performers sa kanyang paglabas bilang Mike Hanopol nitong Linggo sa Kapamilya Channel at A2Z.

Nakuha ni Christian ang tikas at boses ni Mike sa awiting Laki sa Layaw kung kaya nakakuha siya ng 30 puntos, kabilang ang pinakamatataas na boto mula sa jurors na sina Ogie Alcasid, Gary Valenciano, at Sharon Cuneta.

Pagkatapos ang kanyang pasabog na performance, naging emosyunal ang “New Breed Actor” dahil hindi niya inakalang magiging ganoon ang kalalabasan ng kanyang pagtatanghal, na umani ng papuri sa mga hurado.

“Sobrang gusto ko siyang i-perform nang maayos. During the rehearsals, it felt like my voice was failing me. But, ang galing ni God talaga,” pahayag ni Christian.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Nang tinanggap niya ang tropeo at P50,000 na premyo bilang 10th weekly winner, nagpasalamat si Christian sa jury at co-contestants.

“Bago ko pinaniwalaan ‘yung sarili ko, kayo muna ‘yung naniwala sa akin. Grabe. Sobra. Maraming, maraming salamat po talaga.”

Mercy Lejarde