SAN ANTONIO, Nueva Ecija —Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang isang 39-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng ‘di kilalang salarin habang nakikipag-inuman sa isang lamayan sa Barangay Sto. Cristo ng naturang bayan nitong Lunes ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jefferson Pagdanganan, 39, may-asawa, residente ng nasabing lugar, na nagtamo ng apat na tama ng baril sa katawan.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead on arrival ng mga sumuring doktor.

Sa pagsisiyasat ni PCpl. Aldrin Pe Manuel, may hawak ng kaso, dakong 5:30 ng umaga nang bigla umanong dumating ang salarin sa umpukan ng nag-iinuman at apat na ulit na pinagbabaril ang biktima, saka mabilis na tumakas ang salarin sa ‘di batid na direksyon.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Hindi pa matukoy ng pulisya ang motibo ng pamamaril habang patuloy pa ang imbestigasyon sa insidenteng

Light A. Nolasco