Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Mother’s Day kahapon, May 9, itinampok ni Bea Alonzo sa kanyang latest vlog ang kanyang ina, na si Mary Ann.

Sa vlog, naglaro ang mag-ina ng “Never Have I Ever” challenge na nagpaalala ng maraming memories.

“Na stress ako! Akala ko ma-de-demanda ako,” saad ni Mary Ann, nang makunwari si Bea na isang empleyado mula sa banko at inakusahan ang ina ng pag-utang ng milyon-milyon.

“Best actress ka hindi kita na boses-an agad. Sobrang stress!”

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Isang revelation din kay Bea nang ibahagi ng kanyang mommy ang naranasan nitong “one-night stand.”

“I have! Kahit hindi ako maganda,” giit ng nanay ni Bea.

Ibinahagi rin nito na naranasan niyang haranahin noong kanyang kabataan. Pagbabahagi ni mommy Mary Ann, alas-5 pa lamang ng umaga ay dinarayo na siya ng harana ng kanyang mga manliligaw mula Tanauan sa Batangas.

Ibinahagi naman ni Bea ang kanyang drunk call, made out inside the car, pagtakas sa ina, pakikipag-date sa hindi gusto ng kanyang magulang, lying about her age at pagiging viral online.

Stephanie Bernardino