Isang malaking isyu ang West Philippine Sea (WPS) na dapat ituring at isiping mabuti ng mga botanteng Pilipino sa darating na 2022 presidential elections.

Ayon kay Muntinlupa City Ruffy Biazon, ang WPS ay isang “high-priority issue” sa halalan sa 2022 kung kaya ang mga pulitiko/kandidato ay dapat maghain ng mahusay na plano para protektahan ang interes at kagalingan ng bansa.

“The West Philippine Sea issue should take a high priority as presidential candidates file their certificates of candidacy in five months’ time”, ani Biazon matapos umatras si Pangulong Duterte sa hamong pakikipag-debate kay retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio.      Aniya, ang sigalot sa karagatan sa South China Sea, kabilang ang West Philippine Sea, ay isang mahalagang bahagi ng rivalry sa pagitan ng China at United States sa susunod na mga taon kung kaya dapat magplano ang Pilipinas upang protektahan ang kapakanan nito.

Bert de Guzman

National

Usec Castro, binoldyak ni Maharlika sa 'pa-travel-travel lang' si VP Sara