Dalawang masuwerteng mananaya ang naghati sa mahigit P100 milyong jackpot sa Regular Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado ng gabi.
Sa paabiso ni PCSO General Manager Royina Garma, naiuwi ng dalawang mananaya ang premyong P101,321,872.40 matapos na mahulaan ang winning combination na 15-36-03-24-06-08.
Binili umano ng dalawang lucky bettors ang kanilang lotto ticket sa Iriga City, Camarines Sur at Davao City, Davao del Norte.
Aniya, makukuha ng dalawa ang premyo basta magtungo lamang sa PCSO main office sa Mandaluyong City at dalhin ang kanilang ticket at dalawang valid ID.
Mary Ann Santiago