Iginiit ni Senador Panfilo Lacson na puwedenggamiting pambili ng kinakailangang karagdagang bakuna ngayong taon ang bilyun-bilyong congressional insertions na minarkahan ng Department of Budget and Management (DBM) na for later release (FLR).
"I suggested that the P20 billion can be sourced from the insertions made by lawmakers marked 'FLR' because the implementing agencies concerned were not consulted on the insertions and thus could not implement them," pagbubunyag ni Lacson matapos na makausap ang mga namumuno sa programa kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).Magugunitang sa interpelasyon ni Lacson sa pambansang gastusin ngayong taon noong ito ay nakasalang pa sa Senado noong nakaraang taon, nabunyag na nakapaloob sa panukalang badyet ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga bilyong pisong alokasyon sa ilang mga pinapaborang congressional districts.
Ibinunyag ni Lacson, nanguna sa krusada sa Senado laban sa pork barrel system, na may malalaking halaga ring nailaan sa Department of Education (DepEd), Department of Transportation (DoTr) at DPWH na hindi pa nagagamit at maaari ring pagkunan ng dagdag na pondo para sa bakuna laban sa COVID-19.
Leonel Abasola