Humingi na ng tulong ang Phililppine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa Philippine National Police (PNP) upang lansagin ang mga online sabong sites na nag-o-operate kahit walang lisensya.

“Nakikipag-ugnayan na kami sa PNP na hulihin ang mga online sabong sites na wala pang mga lisensya, ani PAGCOR chief Andrea Domingo.

Tinukoy na kabilang sa illegal online sabong websites ay ang kingsportslive.com at ang sabonginternational.com, na sinasabing pag-aari ng matataas na opisyal ng pamahalaan.

Kaugnay nito, dalawang kumpanya pa lang ang pinapayagan ng PAGCOR na magpalabas ng sabong online.

National

Sen. Bato, 'di raw papahuli sa ICC: 'Hindi ako lalabas sa aking comfort zone!'

Aniya, ang Lucky 8 Starquest at Belvedere Corp. ay maaaring magpalabas ng sabong online dahil sila pa lamang ang binigyan ng lisensya.

“Limang kumpanya ang nag-apply ng license, pero 'yung Lucky 8 at Belvedere pa lang ang nagbayad ng performance bond na P75 milyon each,” sabi pa ng opisyal.

Mary Ann Santiago